Home » Culture , Funny , Love » Love, According to Bob Ong

Love, According to Bob Ong

[6 May 2009 | 0 Comments | ]
Posted by Eric Santillan

Love Poster


Here are quotes/musings/thoughts/philosophical pin­ings of Bob Ong. They’re in Fil­ipino, and I did try to trans­late it, but it turned out really awk­ward so I didn’t bother to trans­late any­more because a lot would be lost if I do. These are really prac­ti­cal, no non-sense, humor­ous stuff. I apol­o­gize for those who can’t understand.

Enjoy!

PAG-IBIG
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang mag­pakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Lahat naman ng tao sume­seryoso pag tina­maan ng pag­mama­hal. Yun nga lang, hindi lahat mat­i­bay para sa temptasyon.”

“Gamitin ang puso para ala­gaan ang taong mala­pit sayo. Gamitin ang utak para ala­gaan ang sar­ili mo.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang mak­i­tang hawak ng iba.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang ele­va­tor lang yan eh, bakit mo pag­sisik­sikan ung sar­ili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hag­dan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghi­hin­tay ka nang lalandi sayo, walang mangya­yari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, nau­na­han ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo.
Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

“Bakit ba ayaw mat­u­log ng mga bata sa tang­hali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakat­u­log kahit gusto nila?”

“Hindi lungkot o takot ang mahi­rap sa pag-iisa kundi ang pag­tang­gap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipagla­ban upang makasama ka.”

“Kung nagma­hal ka ng taong di dapat at nasak­tan ka, wag mong sisi­hin ang puso mo. Tumiti­bok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung mag­a­l­ing ka sa anatomy at ang sisisi­hin mo naman ay ang hypo­thal­a­mus mo na kumokon­trol ng emo­tions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tan­daan mo: magig­ing masaya ka lang kung matu­tuto kang tang­gapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nang­yari sayo, kundi IKAW mismo!

Read more articles like this in: CultureFunnyLove
If you liked this article, share it:
These icons link to social bookmarking sites where readers can share and discover new web pages.
  • Facebook
  • Technorati
  • Wists
  • NewsVine
  • MySpace
  • del.icio.us
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • email
Powered by WordPress, a MacbookPro, coffee, and lots of love | Entries (RSS) | ©2006-2010. Ang Peregrino™ and Eric Dominic Santillan. Under Creative Commons License | Arthemia theme by Michael Jubel | This page made 64 queries and took 0.939 seconds to load.